Live how we can, yet die we must. -William Shakespeare
Maraming Tanong ang naglalaro sa isip ni Karl.
Paano siya makakaahon sa hirap?
Paano siya makakabalik sa pagguhit?
Paano siya mabubuhay sa kabila ng nakakubli niyang kasaysayan?
Isa-isang mabubuksan ang pahina sa kanyang pagkatao - ang dibuho ng kanyang pinagmulan, at kung ano ang mas mainam:
Ang mamatay sa ipinaglalaban, O mabuhay sa ilusyong kanyang nakasanayan?