In his youth, Bobby V. Villagracia's wild imagination was full of stories
full of challenges, trials, and conflicts. Although his dream of taking a
journalism course at a university like the University of the Philippines
did not come true, Villagracia insisted on cultivating his ability to tell
his own story with the help of two short courses in creative writing, by mail.
His endeavor has indeed borne fruit; he has written over 2,000 stories and
novels. The book discusses his methods of writing comics and prose, and most
of them have already been published. The book also provides a variety of knowledge in creating comics with cartoonists. Villagracia's unique ability and authentic
experience from 1983 to the present will guide the reader. Like his previous
book Selda Dos, he dedicated it to the world he grew up in and portrayed as a
creative writer.
---------
Sa kanyang kamusmusan, pumipitik-pitik na sa malikot na imahinasyon ni Bobby V. Villagracia ang mga kuwentong puno ng mga hamon, pagsubok, at sigalot. Kahit hindi natupad ang kanyang pangarap na makakuha ng kursong journalism sa isang pamantasang tulad ng Unibersidad ng Pilipinas, nagpumilit si Villagracia na linangin ang kanyang kakayahang humabi ng sariling kuwento sa tulong ng dalawang maikling kurso sa malikhaing pagsulat sa pamamagitan ng koreo.
Tunay nga na nagbunga ang kanyang pagpupunyagi; nakasulat na siya ng mahigit sa 2,000 kuwento at nobela. Tinatalakay ng aklat ang mga paraan niya sa pagsusulat ng komiks at prosa, at karamihan sa mga ito ang nalathala na. Nagbibigay rin ang aklat ng iba’t ibang kaalaman sa paglikha ng komiks kasama ang mga dibuhista. Magiging gabay ng mambabasa ang kakaibang abilidad at awtentikong karanasan ni Villagracia mula1983 hanggang sa kasalukuyan. Tulad ng kanyang naunang aklat na Selda Dos, alay niya ito sa mundong kinalakhan at ginalawan niya bilang isang malikhaing manunulat.
LANG: Tagalog