
Naging Manlililok si WIGAN
Isang mitong Ifugao mula sa hilagang kabundukan ng Filipinas.
Isa si Wigan sa mga Ifugao na nagsasaka sa dakilang payyo. Nang hindi maging sapat ang kaniyang ani, agad siyang humingi ng tulong sa mga diyos sa kalangitan. Sa tulong ng mga diyos natutunan niyang lumikha ng búl-ol:dito nagsimula ang sining ng paglililok.
Ang alamat na ito ay hindi lamang nagpapakilala sa pinagmulan ng búl-ol. Isinasalaysay rin nito ang pinagmulan ng paglililok sa Filipinas. Itinuturo rin ng aklat sa mga batang mambabasa ang paggamit ng talababa.
Ito ay rekomendado sa mga batang edad 10 pataas.
Along with other Ifugaw farmers, Wigan farms on the highlands' magnificent payyo. When his crops suddenly and unexpectedly fail, he asks help from the gods in heaven. It is through these gods that Wigan learns to create a bul-ol, and begins the art of sculpture.
Lang: Tagalog