Espiritu

Lourd Ernest H. de Veyra


Regular price $10.95

Ikay ba ay nalulungkot at walang makausap? Walang makalandian sa text at Facebook? O mas malala - walang makainuman?

Puwes, Espiritu ang aklat para sa 'yo - isang masaya at magaang cocktail mix ng maiiksing pagbabalik-tanaw at pira-pirasong meditasyon sa pilosopiya at kasaysayan ng alak at kalasingan, kasama ang ilang practical tips para sa matiwasay na pagtatagay.

Isipin mo na lang na ang Espiritu ay parang maliit na lalagyan ng whiskey na puwedeng ibulsa at kalhin kahit saan - sa likod ng bus na naiipit sa gitna ng Edsa, sa maingay na club, o sa isang iniipis at madilim na videoke bar sa gitna ng kawalan.

Nagdadalamhati, nagbubunyi, nababato, o napapraning, nandito ang kainuman mong si Lourd de Veyra na handa kang damayan - at, siyempre, tagayan. Pero, bago ang lahat, cheers muna, 'tol.

 

Lang: Tagalog

Related Products