
"Kumakawala at nagwawala ang mga kwento ni Pascual dahil nawala o winala niya ang ilang kumbensyon sa tradisyunal na pagkukwento."
- Eros Atalia
Awtor ng Tatlong Gabi, Tatlong Araw
"Mahalagang mabasa ang aklat na ito ni Pascual sa mga panahong nawawala na tayo sa ating mga sarili, at nawawala rin ang kakayahang makita ang sarili sa mukha ng kapuwa, ng iba, habang pinagtatawanan natin silang nagtatawa rin sa kalunos-lunos at kaibig-ibig na mga buhay natin. Tawa ako nang tawa habang binabasa ang aklat na ito, at hindi ako makahinga, at kung bakit naiiyak din akong parang tanga."
- Edgar Calabia Samar
Awtor ng Janus Silang
"Sa pagbabasa sa kaniyang akda, isa ka na rin sa mawawala, at least sa mundong ginagalawan mo ngayon; patungo sa mundong kinatha niya para sa iyo. At para sa mga kapitbahay mo. Dahil kung may kagalit kang kapitbahay, itong aklat ang paraan para ka makaganti. Believe me."
- Joselito D. Delos Reyes
Awtor ng iSTATUS NATION