
Ang Gintong Habihan
Mga Kuwentong Premyado Ng Palanca
Mula sa gintong habihan ng imahinasyon ng pinakamahuhusay na tagahabi ng salaysay para sa kabataan, narito ang sampung pinakamaririkit na kuwento -- mga kuwento ng pagtuklas, pakikipagsapalaran, paglalaro't panunukso, pagpapakasakit at kagitingan, paglaki at pagkamulat -- na tinipon ng Tahanan Books for Young Readers mula sa mga akdang-pambata na pinarangalan ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
Bawat isa'y masinop na hinabi at binuo mula sa makukulay na hibla ng karanasan; pinatingkad ng mga tauhang kapana-panabik, natatangi, at nakaaaliw; pinatibay ng mga kaisipan, aral at paniniwalang maaaring maging bigkis, saplot, at balabal ng mga kabataan sa pagtahak nila sa mahabang landas ng buhay.